3 timbog sa P2.5 milyon shabu
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - March 31, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong drug pusher ang naaresto ng mga otoridad at nakumpiska sa mga ito ang nasa P2.5 milyong halaga ng shabu sa isang buy-bust operation kahapon ng madaling araw sa Navotas City.

Ang mga naarestong suspek ay kinilalang sina Alexis Vasaya, 30 ng Shellhouse Palengke, Caloocan City; Olando Refil, 46 ng Purok 6 Hernandes St. Brgy. Catmon, Malabon City at Marigold Gilbuena alyas “Magold”, 32 ng Market 3, Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN).

Sa ulat, alas-3:00 ng madaling araw nang ­isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust operation kontra kay Magold, na nasa kanilang watchlist ng drug personalities, sa BGA Compound, Brgy. NBBN.

Nang maiabot sa mga suspek ang isang pakete ng shabu sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P2,000 marked money ay agad na dinamba ang mga ito ng mga operatiba.

Nasamsam sa mga suspek ang 15 piraso ng transparent plastic ice wrapper na naglalaman ng  shabu, limang  transparent plastic sachets ng shabu na umaabot lahat sa 375.5 gramo na nasa P2,554,400.00 ang halaga.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with