^

Police Metro

Road rage: Chinese binaril sa mukha

Ludy Bermudo - Pang-masa
Road rage: Chinese binaril sa mukha
Ang biktima ay kinilalang si Wenyan Shao, 43, residente ng Elcano St., Binondo, Maynila na nagtamo ng tama ng bala sa mukha na tumagos sa kanang pisngi.
File

MANILA, Philippines — Isang Chinese national ang malubhang nasugatan matapos na barilin sa mukha ng isang lalaking sakay ng motor na nakaaway nito sa kalye ilang metro ang layo sa Manila City Hall, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kinilalang si Wenyan Shao, 43, residente ng Elcano St., Binondo, Maynila na nagtamo ng tama ng bala sa mukha na tumagos sa kanang pisngi.

Mabilis na dinala ang biktima sa Manila Doctor’s Hospital habang inuumpisahan ng pulisya ang pagsusuri sa kalye na dinaanan ng suspek sa kanyang pagtakas.

Sa salaysay ng sak­sing si Leo Gambala, 22 sa Manila Police District (MPD)-Station 5 na siya ay sakay ng kanyang motorsiklo at binabagtas ang kahabaan ng Padre Burgos Street nang makita niya ang biktima na sakay ng kanyang Toyota Camry (AAJ-8159) na nakikipagtalo sa suspek sa harap ng National Museum, bandang ala-1:15 ng madaling araw.

Nakita niya ang biktima at suspek na patuloy ang pagtatalo habang minamaneho ang kanilang mga sasakyan hanggang paghinto sa traffic light sa kanto ng Finance Road ay bumaba ang suspek sa kanyang sasakyan at binaril si Wenyan sa mukha.

vuukle comment

WENYAN SHAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with