^

Police Metro

Tattoo artist binoga sa mukha ng bisita

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang tattoo artist nang malapitang barilin sa mukha ng isang lalaking nagpanggap na ‘bisita’ sa pinto mismo ng kanyang bahay sa Rodriguez, Rizal kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi ay kinilalang si Nelson Dolorito, nasa hustong gulang at residente ng Sitio Catmon, Barangay San Rafael, Rodriguez, habang nakatakas naman ang gunman matapos ang pamamaril.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang krimen, alas-10:00 ng gabi ay tumayo ang biktima sa kanyang higaan nang kumatok sa pintuan ang suspek.

Sa pag-aakalang kakilala ang kumatok ay agad niya itong pinagbuksan ng pinto, subalit agad na binaril sa mukha.

vuukle comment

TATTOO ARTIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with