^

Police Metro

Visa-upon-arrival sa mga Chinese tourist galing Wuhan, pinatigil

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Visa-upon-arrival sa mga Chinese tourist galing Wuhan, pinatigil
Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, ginamit na batayan sa pagpapatigil muna ng pagbibigay ng visa-upon-arrival sa mga turistang galing Wuhan City, ang pagsuspinde ng Civil Aeronautics Board (CAB) sa lahat ng direktang flights mula sa nabanggit na lungsod.
AFP/Leo Ramirez

MANILA, Philippines — Hindi na tinatanggap ng Bureau of Immigration (BI) ang aplikasyon para sa visa-upon-arrival ng mga turistang Chinese na mula ng Wuhan City.

Ito ay sa gitna na rin ng pangambang dulot ng novel coronavirus (2019-nCoV) na sinasabing nagmula sa nabanggit na siyudad sa China.

Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, ginamit na batayan sa pagpapatigil muna ng pagbibigay ng visa-upon-arrival sa mga turistang galing Wuhan City, ang pagsuspinde ng Civil Aeronautics Board (CAB) sa lahat ng direktang flights mula sa nabanggit na lungsod.

Kailangan aniyang proteksiyunan ang  mga Pilipino gayundin ang iba pang turista na nasa bansa na maaaring ibalik sa sandaling alisin ng CAB  ang suspensiyon na basehan ng BI.

Taong 2017 nang ilun­sad ng BI ang visa-upon-arrival program para makahikayat ng mas maraming turista at investors mula sa China.

Sa kasalukuyan, mas pinaigting na ng mga Otoridad ang kanilang ipinatutupad na security measures para mapigilan ang posibilidad ng pagpasok ng 2019-nCoV sa Pilipinas.

vuukle comment

VBUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with