Sinabi ni Danao na mananagot si Natana­uan sa batas kapag may nangyaring masama sa mga residente kung sakaling may makinig dito at mapahamak sa pagputok ng bulkan.
AFP/Ted Aljibe
Talisay vice mayor iaalay sa Bulkang Taal
Joy Cantos (Pang-masa) - January 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binalaan kahapon ni CALABARZON Police Director Brig. Gen. Vicente Danao Jr., si Talisay, Batangas Vice Mayor Charlie Natanauan na tumahimik na lang at huwag nang kumbinsihin ang kanyang mga kababayan na magsibalik sa kanilang mga bahay dahil kung hindi ay iaalay niya ito sa Bulkang Taal.

Sinabi ni Danao na mananagot si Natana­uan sa batas kapag may nangyaring masama sa mga residente kung sakaling may makinig dito at mapahamak sa pagputok ng bulkan.

Pinakiusapan na lang ni Danao si Natanauan na tumulong na lang at huwag nang mag-udyok sa mga residente na bumalik sa kanilang mga bahay.

“Kapag bumalik ang mga ’yan (mga tao) at may nangyaring masama, pag-inabot kitang buhay (Vice Mayor Natanauan), iaalay kita sa Bulkang Taal,” babala ni Danao.

Magugunita na unang kinuwestiyon ni Nata­nauan si Phivolcs Director Renato Solidum kung ito ay Diyos dahilan sa prediksyon nito sa naka­ambang malakas at mapanganib na pagsabog ng Bulkang Taal at

Inihayag ng opisyal na nauunawaan naman niya  na sobrang stress ang bise alkalde matapos na maapektuhan ang bayan nito sa phreatic explosion ng Taal volcano noong Enero 12 pero hindi nito dapat ilagay sa peligro.

VICENTE DANAO JR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with