Tuldukan ang mahal at maruming enerhiya
(Pang-masa) - December 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagsagawa ng kilos protesta ang mga Progressive Women’s Group upang himukin ang pa­mahalaan na tuldukan ang mahal at maruming enerhiya sa bansa.

Nagdala sila ng tigka-kalahating pagkain na pang-noche buena na kadalasang inihahain ng mga Pinoy at tanging kahilingan nila o Christmas wish sa Pangulo ay huwag nang pahintulutan pa ang pagtatayo ng maruming enerhiya gaya ng mga ‘coal power plants’ sa bansa.

Sinabi ni Oyette Zacate, tagapagsalita ng Progressive, ang ibinigay na kalayaan sa pribadong korporasyon ay nagresulta sa pagkakaroon ng maru­ming sektor sa enerhiya at naging prayoridad pa ang kikitain kesa sa ipagkaka­loob na serbisyo.

Hinikayat ni Gerry Arances, Convenor ng  Power for People Coalition (P4P) ang gobyerno na huwag hayaan sa pri­badong korporasyon at akuin ang kahihinatnan ng mga ‘bid’ upang matiyak na hindi makasisira sa kalikasan, kalusugan at abot kaya ang halaga ng pamil­yang Pilipino ang bayarin sa elektrisidad.

PROGRESSIVE WOMEN’S GROUP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with