Ayon sa World Health Organization, nasa 390 milyong indibidwal ang nakararanas ng Dengue.
AFP/Luis Robayo
Dengue posibleng makuha sa sex - DOH
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - November 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ibinunyag ni Health Secretary Francisco Du­que III, na posibleng makuha ang dengue sa pakikipagtalik.

Ang pahayag ni Duque ay bunsod ng ulat na nagkaroon ng kaso ng dengue na nakahawa dahil umano sa pagtatalik sa Spain.

Ipinaliwanag ni Du­que na ang dengue virus ay kayang manatili ng 37 araw sa semen habang 23 araw naman sa ihi at dugo.

“Walang history ng exposure ‘yung Spa­nish citizen, e. Ang meron lang dengue is the guy who came from Cuba, then nagkaroon siya ng symptoms ng dengue, the Spanish guy, so they tested him positive for dengue,” ani Duque.

Saad ni Duque, maaa­ring ang kasong nangyari sa Spain ay dahil sa ‘unprotected sex.’ 

Nitong Sabado, naitala sa Espanya ang kauna-unahang kaso ng sexual transmitted dengue di­sease matapos maki­pagtalik ng 41-anyos na lalaki sa partner niyang tinamaan din ng naturang sakit.

Gayunman, sinabi ni Duque na kailangan pa rin ang masusing pag-aaral upang hindi naman maalarma ang publiko.

Ayon sa World Health Organization, nasa 390 milyong indibidwal ang nakararanas ng Dengue.

DENGUE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with