Matatandaan na na­ging kontrobersiyal ang pagbaba sa puwesto ni Albayalde matapos masangkot ang pangalan nito sa mga dati niyang tauhan sa Pampanga na inakusahang sangkot sa pagre-recyle ng shabu.
Presidential Photo/Alfred Frias
‘Perfect’ PNP chief hanap ni Duterte
Malou Escudero (Pang-masa) - November 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kaya wala pa ring itinatalaga na hepe ng Philippine National Police (PNP) si Pangulong Rodrigo Duterte dahil naghahanap pa ito ng “perfect” na matapat na opisyal.

Ito ang sinabi kahapon ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go matapos matanong kung bakit wala pang napipiling PNP chief matapos opisyal na magretiro noong Nob­yembre 8 si dating PNP chief Oscar Albayalde.

“Yung hinahanap nya na honest ay still searching pa po si Pangulong Duterte…Hirap na hirap syang hanapin yung perfect na honest man na hinahanap nya,”  sabi ni Go.

Una nang isinumite ni Interior Secretary Eduar­do Año ang pangalan nina PNP officer-in-charge Lieutenant General Archie Francisco Gamboa, deputy chief for operations Lieutenant Ge­neral Camilo Cascolan, at Chief of the Directorial Staff Major General Guillermo Eleazar para ikonsidera ng Pangulo.

Agad nilinaw ni Go na maari namang iba ang mapili ng Pangulo o wala sa tatlo.

“Ibig sabihin ay posibleng lumabas dyan sa tatlo ang kanyang pipiliin,” sabi ni Go.

Matatandaan na na­ging kontrobersiyal ang pagbaba sa puwesto ni Albayalde matapos masangkot ang pangalan nito sa mga dati niyang tauhan sa Pampanga na inakusahang sangkot sa pagre-recyle ng shabu.

RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with