Nasa proseso na rin ang pag-digitalize ng mga dokumento ng iba’t ibang mga departamento sa QC Hall upang agad makakuha ng impormasyon ang mga taga lunsod online upang hindi na magsa­yang ng oras na magpunta ng cityhall.
Boy Santos
Quezon City Mayor Belmonte, maglalagay ng mini city hall sa mga distrito
Angie dela Cruz (Pang-masa) - November 12, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Upang ma-centra­lized at mapabilis ang pag-proseso ng mga pa­­peles ng mga residen­te ng Quezon City ay maglalagay si Mayor Joy Belmonte ng mga mini cityhall sa mga distrito ng lungsod.

“We can start by requesting our city councilors to rationalize the Novaliches District Center and add more plantilla positions”pahayag ni Belmonte.

Una rito, nagkaroon na ng kasunduan si Belmonte sa pagitan ng Robinsons Malls upang magamit ding lugar ang naturang mga malls sa pagbabayad ng buwis at ilang transaksiyon sa  lokal na pamahalaan.

Sa mga darating na araw ay magiging QC Business Centers na ang Robinsons Malls - Nova, Galleria at Magnolia  at may tatlo pang mall sa QC ang inaasahang business center na rin ng lokal na pamahalaan.

Nasa proseso na rin ang pag-digitalize ng mga dokumento ng iba’t ibang mga departamento sa QC Hall upang agad makakuha ng impormasyon ang mga taga lunsod online upang hindi na magsa­yang ng oras na magpunta ng cityhall.

JOY BELMONTE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with