Palayan City patuloy ang pagtulong sa Mindanao
(Pang-masa) - November 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bukod sa naunang donasyon na 30 tons na bigas noong Huwebes ay personal namang inabot kahapon ni Palayan City Mayor Rianne Cuevas ang P500,000 cash sa mga alkalde ng Makilala at Kidapawan, North Cotabato para sa mga biktima ng lindol doon.

Malugod namang tinanggap ni Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista ang pera mula sa pamilya ni Mayor Cuevas na gagamiting pandagdag sa iba pang pangangailangan ng mga biktima ng lindol sa nasabing lungsod.

Laking pasalamat naman ng staff ni Makilala Mayor Armand Quibod sa cash na galing sa pamil­ya ni Cuevas. Nasa Davao City si Quibod nang dumalaw si Mayora Cuevas sa lugar.

“No amount of cash or material things can replace yung sakit na naranasan ng mga biktima lalo na yung mga namatayan,” sabi ni Mayor Cuevas.

Pahayag pa ng Mayora,”Panalangin po naming mga taga-Palayan City ang agarang pagbangon ng Mindanao sa kalamidad na dumaan.”

Dinalaw din ni Mayor Cuevas ang evacuation centers ng dalawang lugar para personal na alamin kung ano pa ang mga kailangan ng mga biktima.

Bago umalis ay nangako ang Mayora na hinding-hindi magsasawa ang Palayan City sa pagtulong sa mga lugar na may biktima ng kalamidad.

JOSEPH EVANGELISTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with