^

Police Metro

3 magkakapatid todas sa sunog

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tatlong magkakapatid ang namatay habang kritikal ang isa pa nilang kapatid nang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan City, kahapon ng mada­ling araw. Isa sa nasawi ay nakilalang si Gelian Nardea, 8, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng isa pang narekober na bangkay kung ito ay ang nawa­walang si “Mikmik” o ang kapatid na si “JC”.

Namatay habang nila­lapatan ng lunas si Kian, 10, sa Caloocan City Medi­cal Center habang inoobserbahan si Rodolfo, 5. Sa ulat, alas-3:03 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa bahay ng mga biktima sa Julian Felipa Street sa Brgy. 8, ng naturang lungsod habang ang mga ito ay nasa kasarapan ng tulog. Alas-4:25 ng mada­ling araw nang ideklara na under control at mopping operations, ay nadiskubre ang mga sunog na katawan ng apat na bata sa likurang bahagi ng bahay habang isang bata pa ang sinasabing nawawala. 

Ayon sa mga kapitbahay, matagal nang walang kuryente ang bahay ng mga biktima at tanging kandila lamang ang ginagamit.

vuukle comment

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with