Cam nagsampa ng libelo sa misis ng napatay na Masbate vice mayor
Ludy Bermudo (Pang-masa) - October 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinampahan ng kasong libelo sa Manila Prosecutor’s Office ni PCSO Director Sandra Cam, ang biyuda ni Ba­tuan, Masbate Vice Mayor na si Lalaine Yuson na itinuro na siya ang utak sa pagpaslang sa kanyang asawa na si Charlie Yuson III.

Aniya, dapat na bago magsalita sa press conference si Mrs. Yuson ay hinintay muna niyang mailabas ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon ng Manila Police District (MPD) para pagbatayan.

Bukod kay Gng. Yuson, ipinagharap din ng kasong libel sa tanggapan ni Manila City prosecutor Dina Pacquing ang mga pahayagang Inquirer, Police Files at Abante.

Matatandaang iniha­yag ni Gng. Yuson sa mga mamamahayag na si Cam ang nasa likod ng pamamamaslang sa kaniyang asawa noong oktubre 9, alas-8:40 ng umaga sa isang karinderya sa Vicente G. Cruz, sa Sampaloc, Maynila, kung saan nasugatan ang pamangkin ni Yuson at ang ahente ng back hoe na katransaksiyon ng nasawi.

SANDRA CAM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with