Ayon pa kay Lacadin, tinawagan siya ni Albayalde habang isinasagawa ang imbestigasyon bagaman at hindi na niya maalala kung ito pa ang provincial director ng Pampanga nang mag usap sila.
Geremy Pintolo
Albayalde idiniin ng ex-police general sa ‘ninja cops’ mess
Malou Escudero (Pang-masa) - October 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Idiniin kahapon ni Rudy Lacadin, da­ting hepe ng Central Luzon regional police si Philippine National Police chief Gen. Oscar Albayalde sa umano’y maanomalyang drug raid noong 2013 sa Mexico, Pampanga na kung saan ay nakakulimbat umano ang mga pulis ng milyong halaga ng shabu.

Ayon pa kay Lacadin, tinawagan siya ni Albayalde habang isinasagawa ang imbestigasyon bagaman at hindi na niya maalala kung ito pa ang provincial director ng Pampanga nang mag usap sila.

“Ang usapan I cannot exactly remember the conversation but ang naaalala ko is “sir parang naimbes­tigahn nyo raw kami,” salaysay ni Lacadin.

Sinabihan ni Lacadin si Albayalde na hindi niya maaring sabihin na nagsasagawa nga sila ng imbestigasyon,pero sinabihan rin niya ito na walang dapat katakutan kung walang itinatago.

Bagaman at hindi tiyak kung nagbibiro, sinabi umano ni Albayalde na konti lamang ang napunta sa kanya sa iniimbestigahan ni Lacadin na illegal drug operation.

Hindi na umano nagkomento si Lacadin sa sinabi ni Albayalde dahil ayaw niyang maimplu­wensiyahan ang isinasagawang validation process.

Agad namang kinon­tra ni Albayalde ang sinabi ni Lacadin at kinuwestyon kung bakit tumagal ng anim na taon bago lumabas ang nasabing impormas­yon.

OSCAR ALBAYALDE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with