Sinabi ni DILG Spokes­man, Usec. Jonathan Malaya, nasa mesa na ni Sec. Eduardo Año ang classification at rating na ibinigay nila sa mga mayor kaya ano mang araw mula ngayon ay malalaman na ng publiko kung sinu-sino ang binigyan ng bagsak na grado.
File
DILG pagpapaliwanagin ang mga mayor na bagsak sa clearing ops
Mer Layson (Pang-masa) - October 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang “show-cause order” ang ilalabas ng pamunuan ng Department of Interior and Local Go­vernment (DILG) laban sa mga alkaldeng bagsak sa clearing operation na iniutos ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni DILG Spokes­man, Usec. Jonathan Malaya, nasa mesa na ni Sec. Eduardo Año ang classification at rating na ibinigay nila sa mga mayor kaya ano mang araw mula ngayon ay malalaman na ng publiko kung sinu-sino ang binigyan ng bagsak na grado.

Ani Malaya, maglalabas sila ng ‘memoranda’ laban sa mga local officials na hindi nakatupad sa 60-day clearing operation.

Una nang pinuri ng DILG ang Marikina City dahil sila ang unang naka­kumpleto at nakasunod para bawiin ang mga pam-publikong kalsada.

Ayon sa DILG, sa Metro Manila, hindi pa 100 porsiyento ng mga LGUs ang nakapaglinis ng mga pangunahing kalsada.

DEPARTMENT OF INTERIOR AND LOCAL GO­VERNMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with