Kilabot na ‘akyat bahay’ nanlaban, patay
Mer Layson (Pang-masa) - September 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang lalaki na umano ay notoryus na miyembro ng “akyat bahay gang” ang napatay nang ito ay maki­pagbarilan sa mga pulis na aaresto sa kanya naganap kahapon ng madaling araw sa Brgy. Malanday, Marikina City.

Kinilala ang napatay na suspek na si Jambeel Dasmariñas, alyas Makmak, na sinasabing isang notoryus na magnanakaw sa area ng Marikina at mga kalapit na lugar sa lalawigan ng Rizal.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-3:10 ng madaling araw sa creekside, Libis Bulelak St., kanto Narra St, Brgy. Malanday nang mapatay ang suspek.

Bago ito ay nakatanggap ng tawag ang mga tauhan ng Marikina City Police Station Tactical Operation Center kaugnay sa kahina-hinalang kilos ng suspek na paikot-ikot sa isang bahay sa lugar na kanyang target na pasukin at pagnakawan.

Rumesponde ang grupo ni P/Cpt. Soriano at sinita ang suspek, na agad tumakbo at nagpaputok ng baril.

Nagkaroon ng ‘running gun battle’ hanggang sa makorner ang suspek pero sa halip na sumuko ay nanlaban ito na nagresulta ng kanyang kamatayan.

MAKI­PAGBARILAN SA MGA PULIS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with