_pang-masa
^

Police Metro

2 babae na pusher ng ‘party drugs’, tiklo

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang babae na umano ay nagtutulak ng “party drugs” o ecstacy sa mga bar ang nadakip ng pulisya sa Makati City, kamakalawa.

Kinilala ang dalawang nadakip na sina Karylle Tecson, 32, bar mana­ger, ng #3255 A. Mabini Street, Brgy. Poblacion, Makati at  Janine Sibug, 22, entertainer ng F.B. Harrison Street, Pasay City.

Sa ulat, alas-4:30 ka­makalawa ng hapon nang ikasa ang buy-bust ope­ration ang mga tauhan ng Makati Police-Drug Enforcement Unit sa isang bar sa kanto ng Makati Avenue at P. Burgos St., Brgy. Poblacion at dito ay nakabili ang asset ng pulisya na nagpanggap na buyer ng ilegal na droga dahilan para dakmain ng mga nakaantabay na mga pulis ang dalawang babae.  

Nakumpiska sa mga suspek ang 10 piraso ng tabletas na pinaniniwalaang ecstacy, P3,000 buy bust money, isang shoulder bag at dalawang cellular phones na gamit sa pakikipagtran­saksyon nila.

Pinaniniwalaan na kabilang ang dalawang babae na umiikot sa mga bar at nagpapakalat ng party drugs sa mga entertainers at maging sa mga kustomer.

PARTY DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with