DOJ: 7 suspek sa Chiong sisters rape-slay, makikinabang sa GCTA
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - August 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Posibleng makina­bang din sa “good conduct time allowance” (GCTA) ang akusadong si Francisco Juan “Paco” Larrañaga at anim nitong kasama na nakulong sa pagdukot at pagpatay sa magkapatid na Marijoy at Jacqueline Chiong sa Cebu noong 1997.

Ito ang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra dahil nananatili pa rin sa ilalim ng kustodiya ng Pilipinas ang pagkakakulong ni Larrañaga sa Spain.

Si Larrañaga ay kasalukuyang nakapiit sa Spain sa pamamagitan ng Transfer of Sentence Agreement dahil sa kanyang dual citizenship.

Paliwanag ni Guevarra hanggat eligible ang isang preso sa ipinatutupad na batas, maaari itong makinabang at hindi mahalaga kung ang inmate ay isang high profile o hindi hanggat kwalipikado sila, sisiyasatin ang kanilang GCTAs.

GCTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with