^

Police Metro

SUV vs bus: 4 todas, 7 sugatan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nasawi ang apat katao na magkakamag-anak habang pito pa ang nasugatan nang magbanggaan ang isang Sports Utility Vehicle (SUV) at  isang pampasaherong bus sa Tagkawayan, Quezon kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Arnel Repol, driver ng Ford Everest; mga pasahero nitong sina Arriane Repol, 21; Harold Repol. 15 at isang hindi pa natukoy na babae na mga residente ng Brgy. Banay-Banay, Cabuyao, Laguna.

Nasugatan ang pitong pasahero ng Roro bus na mabilis na isinugod sa Tagkawayan District Hospital.

Sa ulat ng pulisya, nangyari ang aksidente bandang alas- 10:15 ng gabi nang makabanggaan ng isang Ford Everest na may plakang (ZAH- 229 ) ang isang Roro Bus (TXV 921) na minamaneho ni Rainer Mabuti sa kahabaan ng Quirino Highway sa Brgy. San Francisco.

Nabatid na tinangka umanong mag-overtake ng SUV sa isang behikulo na nasa kanyang unahan habang bumabagtas ito sa pakurbadang bahagi ng nasabing lugar nang masalubong ang bus at sumalpok ito.

vuukle comment

SPORTS UTILITY VEHICLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with