^

Police Metro

Obrero dedo sa kabaro

Mer Layson - Pang-masa
Obrero dedo sa kabaro
Batay sa inisyal na ulat, nabatid na dakong ala-1:13 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa 4th floor ng MC 88 construction site ng gi­nagawang townhouse sa nasabing barangay.
File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 29-an­yos na construction worker matapos saksakin sa leeg ng isa sa dalawa nitong kasamahan sa trabaho na kanyang kainuman sa loob ng construction site sa Cubao, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ang biktima ay kini­lalang si Regie Torre Vier­nes, may asawa, tubong­ Dilasag Aurora at stay-in sa pinagtatrabahuhang cons­truction site na matatagpuan sa Lt 13, Blk 2, Saint Peter St., Brgy. Kaunlaran, sa Cubao.

Tinutugis naman ng mga otoridad ang suspek na si Loben Dianela, 30, at kasama nitong tumakas na si Rico Rosales, 25, kapwa stay-in din sa construction site.

Batay sa inisyal na ulat, nabatid na dakong ala-1:13 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa 4th floor ng MC 88 construction site ng gi­nagawang townhouse sa nasabing barangay.

Sinabi ng testigong si Mark Manuel Pimentel na isa ring obrero, nagising siya dahil sa tawag ng kalikasan nang mapansing nag-iinuman ang biktima at mga suspek.

Nagulat na lamang uma­no siya nang patungo sa banyo ay makita si Dia­nela na may hawak ng patalim at umakyat sa ikaapat na palapag.

Makalipas lamang ang ilang minuto ay muli umano itong bumaba hawak pa rin ang kutsilyo na sa pagkakataong ito ay may bahid na ng dugo at mabilis na lumabas ng construction site kasama si Rosales.

Ipinagbigay-alam agad ni Pimentel sa kanilang foreman ang nasaksihan kung saan tinungo nila ang 4th floor at bumungad sa kanila ang nakabulagta at duguang si Viernes.

vuukle comment

CONSTRUCTION WORKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with