Iprinisinta ng mga otoridad ang nakuhang mga shabu sa mag-live-in partner na sina Mark Kim Cudia and Patricia Jane Dayta sa isang buy-bust operation at nasamsam ang nasa P3.4 milyon halaga ng shabu sa Brgy. Manggahan, Pasig City, kahapon.
Michael Varcas
Lovers timbog sa P3.4-milyon shabu
Mer Layson (Pang-masa) - June 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang mag-live in partner ang na­aresto ng mga otoridad sa isang drug buy-bust operation sa Pasig City kahapon ng madaling at nasamsam sa kanila ang nasa P3.4 milyon halaga ng shabu.

Ang mga suspek ay kinilalang sina Mark Kim Cudia, 28, miyembro ng Bahala na Gang, residente ng Brgy. Kaunlaran, Cubao, at Patricia Jane Dayta, 19, ng San Juan City.

Sa ulat ng QCPD, nabatid na dakong alas-5:02 ng madaling araw nang maaresto ng pinagsanib na puwersa ng QCPD Cubao Police Station (PS 7), Eastern Police District (EPD), at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mag-live in sa Kaginhawahan St., kanto ng Kaagapay St., Karangalan Village, Brgy. Manggahan, Pasig City.

Ang nasabing operasyon ay bunga umano ng naunang buy-bust operation na isinagawa ng QCPD dakong alas-11:00 ng gabi ng kamakalawa sa Apartment Corridor, na matatagpuan sa 826, Aurora Blvd., Brgy. kaunlaran, Cubao, na nagresulta sa pagkakadakip kina Joy Cabacungan, alias Madam, 37, ng Brgy. Kaunlaran at Reynaldo Apostol, 33, ng Brgy. San Martin De Porres, na nahulihan ng 15 pakete ng shabu.

Dito ay itinuro ng mga naarestong suspek si Cudia na pinagkukuhanan nila ng suplay ng ilegal na droga.

Kaya’t nagsagawa ng panibagong buy-bust operation ang mga otoridad at bumili ng P20,500 halaga ng shabu mula kay Cudia, na nagresulta sa pagkakadakip sa kanya at sa kanyang kasabwat na si Dayta.

Nakumpiska ng mga otoridad mula sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 500 gramo ng shabu, na tinatayang may estimated street value na P3,400,000, di­gital weighing scale, isang Suzuki Rai­der motorcycle at buy-bust money.

Natukoy na si Cudia ay una nang naaresto noong 2017 sa kasong ilegal na droga, ngunit napalaya, sa pamamagitan ng plea bargaining noong Nobyembre 2018.

ILLEGAL NA DROGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with