Dump truck salpok sa 4 sasakyan: 5 sugatan

Lordeth B. Bonilla (Pang-masa) - June 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sugatan ang limang katao habang perhuwisyong trapik naman ang sinapit ng mga motorista matapos magkarambola ang limang sasakyan sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Sa report na natanggap ng hepe ng Taguig City Police na si P/Col. Alexander Santos, naganap ang insidente alas-8:00 kamakalawa ng gabi sa Southbound ng C5-McKinly Road sa nabanggit na lungsod.

Sinasabing nawalan umano ng preno ang isang dumptruck, dahilan upang masalpok nito ang isang ten wheeler truck, isang close van at dalawang taxi.

Dahil sa aksidente, nagresulta ito nang pagkasugat ng limang katao, na nasa maayos ng kala­gayan.

Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng Taguig City Traffic Bureau ang nasabing aksidente, na nagdulot aniya nang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa nabanggit na lugar.

TAGUIG CITY TRAFFIC BUREAU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with