^

Police Metro

Employer na pumatay sa Pinay worker sa Kuwait, kinasuhan na

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kinasuhan na ng Kuwaiti General Prosecutor’s Office ng “felony murder” ang Kuwaiti employer na si Bader Ibrahim Mohammad Hussain dahil sa pagpatay sa kanyang Pinay worker na si Constancia Dayag, 47.

Ang labi ni Dayag ay dumating sa Pilipinas nitong Mayo 23 at nakaburol na sa kanyang bayan sa Angadanan, Isabela.

Masayang tinanggap ng mga kaanak ni Dayag ang balita at umaasang agad na mabibigyan ng katarungan ang sinapit ng kanilang mahal sa buhay.

Una nang inihayag ng pamahalaan na nasawi si Dayag nang magtamo ng “hematoma at concussions” sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan dulot ng matinding pambubugbog.

Base sa ulat, lumalabas din na inabusong sekswal ang biktima.

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with