^

Police Metro

Bagon ng MRT-3, nag-apoy

Mer Layson - Philstar.com

MANILA, Philippines — Nasa 645 pasahero ng Metro Rail Transit Line-3 ang nagsibabaan ng tren matapos na mag-apoy at umusok ang ilalim nito kamakalawa ng alas-6:02 ng gabi sa Quezon City.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3 na nagkaroon ng ‘short circuit’ sa high voltage wire ng traction motor nito ang naging dahilan nang pag-apoy at pag-usok ng tren, na nagdulot ng tensiyon sa kanilang mga pasahero.

Kaagad na-detect ng operator ang problema ng tren kaya’t inihinto niya ito upang mapababa at matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Nabatid na dakong ala-6:02 ng gabi ng magka-aberya ang isang tren ng MRT-3 sa intersection ng Araneta-Cubao at Santolan kaya’t napilitang pababain ang mga pasahero at naglakad sa riles patungo sa isang istasyon.

Nagtagal ng kalaha­ting oras o ala-6:35 ng gabi nang maibalik ang traction ng tren at kaagad itong dinala sa pocket track sa Shaw Boulevard station at maibalik sa normal ang operasyon ng linya ng tren.

vuukle comment

METRO RAIL TRANSIT LINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with