Ang mga sinibak ay ang commander ng Police Community Precint (PCP) 1, Pasay City Police na si Chief Inspector Remedios Terte; mga tauhan nito na sina SPO3 Timothy Mengote; SPO2 Jonathan Bayot; PO3s Archie Rodriguez at Ranier Dumanacal.
File
5 pulis na mali ang payo sinibak sa puwesto
Lordeth Bonilla (Pang-masa) - February 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinibak ni NCRPO Director Gen. Guillermo Eleazar ang isang police commander at apat nitong tauhan matapos na payuhan ang mga magulang ng tatlong estudyante na minolestiya ng isang Chinese national na nadakip na magpaareglo na lang.

Ang mga sinibak ay ang commander ng Police Community Precint (PCP) 1, Pasay City Police na si Chief Inspector Remedios Terte; mga tauhan nito na sina  SPO3 Timothy Mengote;  SPO2 Jonathan Bayot; PO3s Archie Rodriguez at Ranier Dumanacal.

Nabatid, na noong Huwebes (Pebrero 7), alas-11:00 ng gabi  ay dinakip ng naturang mga pulis ang suspect na si Zhang Yang, 19, pansamantalang naninirahan sa Antel Tower sa Pasay City  sa loob ng Dungeon Horror House, Star City Amusement Park, CCP Complex ng nabanggit na lungsod.

Matapos silang makatanggap ng reklamo hinggil sa umano’y pangmomolestiya nito sa tatlong kababaihang estudyante na nasa 18-anyos ang mga edad  sa nabanggit na amusement park.

Nang dalhin ang nabanggit na suspek sa himpilan ng PCP 1, ay pinayuhan umano ng 5 pulis ang ina ng mga biktima na makipag-areglo na lamang ang mga ito sa suspek.

Hindi pumayag ang mga biktima at mga magulang nito hanggang sa tuluyang sinampahan ng kasong Acts of Lasciviousness ang nabanggit na dayuhan sa Pasay City Prosecutor’s Office.

Nagsumbong ang mga magulang ng mga biktima sa tanggapan ni General Eleazar hinggil sa naging payo sa kanila ng mga pulis kaya’t sinibak ang mga ito.

GUILLERMO ELEAZAR
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with