Narco cop itinumba
Sa imbestigasyon ni SPO4 Franklin Alvarez, dakong alas-4:10 ng hapon ay nakatayo ang biktima sa tabi ng kanyang sasakyan sa highway ng nasabing lugar nang ito ay pagbabarilin ng mga suspek na pinaniniwalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA).
File

Narco cop itinumba

Raymund Catindig (Pang-masa) - December 14, 2018 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang suspek ang isang pulis na kinilalang si SPO4 Ronald Galap na umano ay kasama sa listahan na sangkot sa droga naganap kamakalawa ng tanghali sa Brgy. Tanggal, Cordon, Isabela.

Sa imbestigasyon ni SPO4 Franklin Alvarez, dakong alas-4:10 ng hapon ay nakatayo ang biktima sa tabi ng kanyang sasakyan sa highway ng nasabing lugar nang ito ay pagbabarilin ng mga suspek na pinaniniwalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

Nag-iwan ang mga suspek ng isang karton sa tabi ng biktima na may nakasulat na “Abusadong Pulis, Mabuhay ang CPP/NPA” saka tumakas sakay ng isang puting pick-up.

Ang biktima ay dinala sa isang ospital sa Santiago City, subalit idineklarang dead on arrival sanhi ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Idinagdag pa ni SPO4 Alvarez na dating nakatalaga sa Cordon Police Station ang biktima bago ito inilipat sa Lubuagan Police dahil sa pagkakasangkot sa illegal drug trade.

RONALD GALAP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with