^

Police Metro

‘Missing in action’ na mga mayor, papanagutin

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Dapat talaga aksiyunan at hindi lang puro salita ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa sinasabing ‘missing in action’ na mga mayor noong kasagsagan ng bagyong ‘Ompong’ na humagupit sa kanilang mga lugar.

Hindi lang pala 10 kundi nasa 16 na mga alkalde ng ibat-ibang bayan o lungsod sa Luzon ang iniimbestigahan na ngayon ng DILG at kung mapatunayan ngang may nangyaring kapabayaan, nahaharap sa kaso ang mga ito.

May module kasi na ‘Oplan Listo’ ang DILG na dapat ay sinusunod ng mga local executives na gabay sa kanila sakaling may tumamang kalamidad sa bansa.

Saan ka naman nakakita na halos isang linggo bago pa man tumama ang bagyong Ompong na usap-usapan na nga kahit sa saan dahil sa kategorya nitong mala-super typhoon.

Matindi na ang ginagawang paghahanda ng gobyerno para nga sana makamit ang ‘zero casualty’. Ang masaklap hindi malaman kung ang mga mayor na ito ay naghanda rin para sa kanilang mga nasasakupan o umasa na lang sa ginawang paghahanda ng national government o ng nasa lalawigan.

Imbes na ang mga mayor na ito ay nasa kani-kanilang mga lugar at tumutulong sa paghahanda eh mistulang nagliliwaliw sa kung saan o sa Maynila.

Maging nang tumama ang bagyo, imbes na may mahingan ng tulong o payo ang kanyang mga constituents eh wala siya.

Malinaw na ito ay kapabayaan, bakit sila pupunta ng Maynila bago bayuhin ng malakas na bagyo ang kanilang mga lugar.

Mistulang iniligtas nila ang kanilang sarili sa banta ng panganib ng kalamidad at hinayaan na lang ang kanilang mga nasasakupan na iniwanan.

Ayaw pang ibigay ang mga pangalan ng mga ito, pero ito yung mga nasa lugar kung saan naging matindi ang ginawang pagbayo ni Ompong.

Iintayin natin ang aksyon ng DILG na huwag naman sanang tulugan at magkakaroon ng tuluy-tuloy na imbestigasyon na kailangan na may sampolan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with