^

Police Metro

Holdaper na rapist utas sa shootout

Danilo Garcia - Pang-masa
Holdaper na rapist utas sa shootout
Ang napatay na suspek ay kinilalang si Jaypee Samson, alyas “Jepoy”, isang notoryus na holdaper na kilala sa Brgy. 167 Bagong Silang.
File

MANILA, Philippines — Napatay ng mga pulis ang isang holdaper matapos itong manlaban habang aarestuhin sa ginawa nitong panghoholdap sa isang 20-anyos na dalaga na sales agent, kanya pang ginahasa kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang napatay na suspek ay kinilalang si Jaypee Samson, alyas “Jepoy”, isang notoryus na holdaper na kilala sa Brgy. 167 Bagong Silang.

Bago nangyari ang shootout ay naglalakad pauwi ang mga biktima na sina Juan Paolo Bonifacio, 19, estudyante, at ang sales agent na itinago ang pagkakakilanlan sa may Phase 3 Munting Nayon Street, Brgy. 167 Bagong Silang nang harangin sila ng suspek na armado ng isang baril. Kinuha ng suspek ang mga cellular phones at pitaka ng mga biktima saka kinaladkad ang babae sa isang madilim na eskinita at ginahasa ang dalaga.

Matapos ang pang-aabuso ay agad na nagtungo ang mga biktima sa PCP 3 nagkasa ng operasyon na kung saan dakong alas-11:00 ng gabi nang mapansin ng mga pulis ang isang kahina-hinalang lalaki sa may Phase 3 na tumugma sa deskripsyon na ibinigay ng mga biktima.

Nang lapitan ng mga pulis ay agad umanong nagpaputok ang suspek, subalit agad na nakaiwas ang mga una.

Gumanti ng putok ang mga pulis at napatay ang suspek na kinilala ng dalawang biktima na siyang nangholdap at nanggahasa sa babae.

vuukle comment

JAYPEE SAMSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with