^

Police Metro

3 patay sa Muntinlupa shootout

Lordeth B. Bonilla - Pang-masa
3 patay sa Muntinlupa shootout
Sa ulat, alas-2:20 kahapon ng madaling araw nang magkasa ng buy-bust operation ang mga otoridad sa Mandarin St., Pleasant Ville, Brgy. Bayanan laban sa suspek na kilalang drug pusher.
File

MANILA, Philippines — Tatlong kalalakihan na pawang miyembro umano ng riding in tandem robbery hold-up group at tulak ng droga ang nasawi sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa Muntinlupa City kahapon ng madaling araw.

Unang nasawi dahil sa ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang suspek na nakilala lamang sa “alias Burdado”, nasa 25 hanggang 30-anyos, nakasuot  ng kulay itim na  t-shirt, jacket at puting short pants.

Sa ulat, alas-2:20 kahapon ng madaling araw nang magkasa ng buy-bust operation ang mga otoridad sa Mandarin St., Pleasant Ville, Brgy. Bayanan laban sa suspek na kilalang drug pusher.

Pero nakahalata aniya si Burdado na mga pulis ang katransaksyon, dahilan para makipagbarilan siya sa mga ito at napatay.

Nakatakas naman ang kasamahan ng suspek sakay ng motorsiklo.

Nakuha mula kay Burdado ang ilang pakete ng hinihinalang shabu at isang kalibre .38 na baril.

Samantala, patay din ang dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo nang makipagbarilan sa mga pulis sa isang check-point sa  kahabaan ng National Road, Brgy. Bayanan.

vuukle comment

ROBBERY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with