^

Police Metro

Ginagamit ang TRAIN, lumalabag sa srp… negosyanteng tuso, hulihin-Duterte

Malou Escudero - Pang-masa
Ginagamit ang TRAIN, lumalabag sa srp� negosyanteng tuso, hulihin-Duterte
Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque sa isang panayam sa radyo tungkol sa isyu ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis na nakakaapekto sa presyo ng mga bilihin dahil umano sinasamantala ng mga traders ang TRAIN Law.
File

MANILA, Philippines — Mariing ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Trade and Industry (DTI) na paigtingin ang pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin at hulihin ang mga ne­gosyanteng tuso o nandaraya sa presyo ng bilihin dahil ginagamit ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque sa isang panayam sa radyo tungkol sa isyu ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis na nakakaapekto sa presyo ng mga bilihin dahil umano sinasamantala ng mga traders ang TRAIN Law.

Aminado si Roque na maraming negosyante ang nagsasamantala sa sitwasyon at nilalabag ang Suggested Retail Price o SRP ng mga pa­ngunahing bilihin.

“Unang-una iyong DTI ay dapat magmasid at talagang hulihin iyong mga negosyante na lu­malabag sa suggested retail price. Kasi ang dami ring nagsasamantala sa nga­yon,” pahayag ni Roque.

Ayon pa kay Roque, hindi manhid ang Pangulo sa mga nangyayari at walang may gusto na tumaas ang presyo ng langis.

Sinabi pa ni Roque na nasa 70 porsiyento ang mga nagsasamantalang negosyante.

Ipinaalala pa ni Roque na bukod sa multa, maaari ring tuluyang ipasara ang mga tindahan na mahuhuling hindi sumusunod sa itinakdang presyo o suggested retail price.

vuukle comment

TAX REFORM FOR ACCELERATION AND INCLUSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with