^

Police Metro

Lola todas sa motor

Boy Cruz - Pang-masa
Lola todas sa motor

MANILA, Philippines — Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang 64-anyos na lola matapos na mabundol ito ng humahagibis na motorsiklo habang tumatawid sa kalsada sa Brgy. Bagong Barrio sa bayan ng Pandi, sa lalawigan ng Bulacan, kamakalawa.

Idineklarang dead-on-arrival sa Rogasciano M. Mercado Memorial Hospital ang biktimang kinilalang si Felma Domingo residente ng Brgy. Bagong Barrio sa naturang bayan.

Kasalukuyan namang nakadetine na at sinamapahan ng kaukulang kaso ang driver ng motorsiklo na si Reggie Villamor,18-anyos, mekaniko at residente ng Brgy. Cacarong sa bayang ding ito.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Vincent Guinacaran dakong alas-7:10 ng gabi habang tumatawid ang biktima sa kalsada sa Provincial Rd sa naturang barangay nang biglang dumating ang humahagibis na walang plakang Honda TMX na minamaneho ni Villamor at salpukin ang biktima.

Sa lakas ng pagkakabundol sa matandang babae ay tumilapon ito ng ilang metro sa naturang kalsada saka kaagad na isinugod sa ospital ng mga residente sa lugar habang inaresto naman ang suspek na drayber ng rumespondeng pulisya.

vuukle comment

FELMA DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with