Motor vs motor: 1 dedo, 1 kritikal

MANILA, Philippines — Hindi na umabot pa nang buhay sa pagamutan ang isang rider habang nasa malubha namang kalagayan ang isa pang rider matapos silang magsalpukan kamakalawa ng gabi sa Tagaytay-Sta Rosa Road, Brgy. Puting Kahoy, Silang, sa lalawigang ng Cavite.

Kinilala ang nasawi na si Arman Palenzuela, 26, binata, residente ng St. Joseph Palad Subd., Luisiana, Laguna habang kritikal naman si Charlie Salvacion, 24, taga B15 L5 Buklod Bahayan, Brgy. Tartaria, Silang, Cavite.

Nabatid na nag-overtake si Palenzuela na minamaneho ang Suzuki Raider sa mga nasa unahang sasakyan pero hindi napuna ang kasalubong na si Salvacion na sakay naman ng Yamaha Motorcycle (DC-41600) at sumalpok dito kaya kapwa sila tumilapon.

Dinala si Salvacion sa Adventist University of the Philippines Hospital habang si Palenzuela naman ay sa QualiMed Hospital, Sta Rosa, Laguna kung saan siya idineklarang dead-on-arrival ng mga duktor.

Show comments