Cavite drug bust: 2 pusher utas

MANILA, Philippines — Patay ang dalawang lalaki na umano ay drug pu­sher nang manlaban sa mga otoridad sa magkahiwalay na drug buy bust operation sa Bacoor City, at Imus City, lalawigan ng Cavite, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jersey Andrade, 28,ng  Blk 11, Lot 2, Ancris, Salinas 1 at isang alyas Al.

Sa Bacoor City, alas-12:30 ng madaling araw nang manlaban si Andrade sa mga otoridad nang masukol ito sa pagbebenta ng shabu sa isang poseur buyer na pulis.

Ala-1:30 naman ng madaling araw nang mapatay ang suspek na kinilalang si alyas Al nang manlaban din umano ito sa drug bust ng Imus City-PNP nang makorner na sa tapat ng isang gasoline station sa Brgy. Pasong Buaya I, Imus City.

Show comments