^

Police Metro

2 supporter ng kandidato, tinodas

Joy Cantos - Pang-masa
2 supporter ng kandidato, tinodas
Sa ulat, bago nangyari ang ambush sa mga biktima bandang alas-8:30 ng gabi ay kasalukuyang nagla­lakad ang tatlo nang bigla na lamang silang paulanan ng bala ng mga salarin.
File

MANILA, Philippines — Patay sa ambush ang dalawang lalaki na umano’y supporter ng tumatakbo sa pagka-barangay chairman matapos na sila ay pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan sa Brgy. Notong, Pualas, Lanao del Sur kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Jabber Tanog, 37; at Ayno Saripada, 31. Habang masuwerte namang nakaligtas ang kasamahan nilang si Aladin Saripada, 42.

Sa ulat, bago nangyari ang ambush sa mga biktima bandang alas-8:30 ng gabi ay kasalukuyang nagla­lakad ang tatlo nang bigla na lamang silang paulanan ng bala ng mga salarin.

Gumanti naman ang mga biktima sa  mga suspek, subalit sa palitan ng putok ay tinamaan sina Tanog at Ayno na agaran nilang ikinasawi habang nagawa namang makatakbo at makaligtas ni Aladin.

Natukoy ng mga otoridad ang armadong grupo ni Saidamen Balindong ang sangkot sa pananambang.

Patuloy ang imbestigasyon kung ang motibo ng pagpatay ay may kinalaman sa pulitika, clan war, alitan sa lupain at iba pa.

vuukle comment

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with