^

Police Metro

5 timbog sa droga

Ludy Bermudo - Pang-masa
5 timbog sa droga
Nagmistulang mga maamong tupa ang pagmumukha ng mga natimbog na tulak ng droga nang salakayin ng mga otoridad ang tahanan ng mga ito sa Paco, Maynila kahapon ng hapon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Ni-raid ng mga tauhan ng Manila Police District-Station 10 ang isang bahay, sa Sta. Maria, Paco, Maynila, kahapon ng hapon.

Sa ulat mula sa tanggapan ni Supt. Robert Domingo, hepe ng MPD-Station 10, nag-aplay sila ng search warrant at inisyuhan naman ni Manila Regional Trial Court Branch 32 Judge Thelma Bunyi-Medina kaugnay sa mga impormasyong pagbebebenta ng iligal na droga sa Green Village, Barrio Sta. Maria, Paco ng naturang lungsod.

Dakong ala-1:45 ng hapon nang salakayin sa pangunguna ni Senior Insp. Edwin Fuggan ang bahay ng mga suspek na sina Jerald Mark Lara, Danilo Lara, at  Jesus Lara at inabutan din sa bahay nila ang dalawa pang babae na isinasailalim sa beripikasyon .

Narekober sa drawer ng bahay nila ang ilang sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P60,000 bukod pa sa nakumpiskang kalibre .38 at isang replica ng kalibre .45 sa isa sa mga kuwarto ng bahay.

Nabatid na pakay ng search warrants ang mga droga at ang nagtutulak umano na si alyas “Jayjay”

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with