SEC: Rappler puwede pang mag-operate

Magugunita na sa desisyon ng SEC, sinasabing nilabag ng Rappler ang foreign ownership restrictions on mass media kaya tinanggalan ng ‘permit to operate’.

MANILA, Philippines — Puwede pang magpatuloy sa kanilang operasyon ang news site na Rappler habang nakaapela sa korte ang kaso.

Ito ang inihayag kahapon ni Armand Pan, spokesman ng Securities and Exchange Commission (SEC) dahil hindi pa naman final and executory ang kanilang revocation order laban sa Rappler.

Magugunita na sa desisyon ng SEC, sinasabing nilabag ng Rappler ang foreign ownership restrictions on mass media kaya tinanggalan ng ‘permit to operate’.

Sa panig naman ng Rappler, nanindigan silang hindi pag-aari ng Omidyar Network and North Base Media ang news site kahit na may hawak itong Philippine Depository Receipts.

Show comments