^

Police Metro

Noche Buena products,tumaas na-DTI

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Department of Trade and Industry (DTI) na batay sa kanilang monitoring nagsimula nang tumaas ang presyo ng ilang produktong pang-Noche Buena gaya ng ham, queso de bola at fruit cocktail sa mga palengke at supermarket.

Sinabi ni DTI assistant director Lilian Salonga na naglalaro sa P5 hanggang P11 ang itinaas sa presyo ng ilang brand ng ham.

“Kapag sinabi na­ting Noche Buena, hindi mawawala ang hamon. Iyan talaga ay mataas ang demand pagdating sa mga ganitong panahon at si­yempre marami rin factors na nag-a-attribute sa pagtaas nito,” paliwanag ni Salonga. 

Nasa P10 hanggang P14 naman ang dagdag-presyo sa queso de bola, depende sa brand. May bahagyang pagtaas din sa presyo ng fruit cocktail.

Wala pang paggalaw sa presyo ng pasta, macaroni at ilang brand ng condensada at creamer.

Samantala, tumaas din ang presyo ng manok at bigas ilang linggo bago ang Pasko, bagama’t iginiit ng Department of Agriculture na walang dahilan para itaas ang presyo ng mga ito.

Hinala nila na maaari umanong artipisyal ito o pakana na naman ng mga “middlemen” para kumita ng malaki.    

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with