^

Police Metro

Pinatay nila ang anak ko sa hazing!

Ludy Bermudo - Pang-masa
Pinatay nila ang anak ko sa hazing!

Ang mga magulang ng biktimang si Horacio Castillo III  na sina Carmina at Horacio Castillo Jr. habang nasa punerarya na pinagdalhan ng bangkay ng anak. Edd Gumban

MANILA, Philippines — “I want justice for my son”.

Ito ang sigaw ng amang si Horacio Castillo Jr., matapos mabalitaan na ang anak niyang si Horacio Castillo III ay napatay sa hazing ng sinalihang fraternity.

Ang biktima na isang 22-anyos na freshman law student ng University of Santo Tomas (UST) ay idineklarang dead-on-arrival matapos magtamo ng mga  pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan matapos sumailalim sa hazing ng Aegis Juris Fraternity.

Batay sa otopsiya na inanunsyo kahapon ni Manila Police District Scene of the Crime Operatives (MPD-SOCO) Dr. Milag­ros Provador   na inatake sa puso si Castillo dahil sa “massive injury” mula sa hazing.

Kabilang sa mga tinamong injury ni Castillo ang hematoma o pamumuo ng dugo sa magkabilang braso.

Horacio Castillo III

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, alas-7:40 pa ng umaga nitong Linggo nang madaanan ng isang Paul Silano, 27, medical technologist ng San Lazaro Hospital ang isang lalaking nakabalot sa puting kumot sa bangketa sa panulukan ng Honorio Lopez Boulevard at Infanta St., Tondo at agad niya itong dinala sa ospital, subalit binawian din ng buhay.

Ala-1:00 Lunes ng madaling-araw, nahanap ng pamilya ni Castillo ang bangkay matapos makatanggap ng anonymous text message na nasa  Chinese General Hospital ang kanilang anak.

Ayon sa matandang Castillo, ayaw sana niyang payagang sumali ang anak sa Aegis Juris Fraternity, pero tiniyak nito na walang hazing sa initiation rites, na limitado lang umano sa paglilinis, simpleng utos ng mga miyembro o pagkanta sa publiko.

Napapayag aniya siya dahil ipinaliwanag ng anak na maging ang dean ng UST Civil Law ay miyembro ng naturang fraternity.

Nakapasa si Castillo sa initiation at nagpaalam sa mga magulang na dadalo sa overnight welcoming rites ng fraternity nitong Sabado. Nangako pa umano itong magsisimba kasama ang pamilya kinaumagahan. Pero hindi na nakauwi si Castillo.

Ayon sa ama ng biktima, tadtad ng pasa ang katawan ng anak at mayroon ding mga paso ng sigarilyo at kandila.

“I took care of that child. They took our child away from us. Right now, I just want my son,” sabi ng nakatatandang Castillo.

Patuloy ang imbestigasyon ng MPD.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with