Pacquiao naniniwala sa ibinulgar ni Kerwin

Sa interview ng isang radio station kay Sen. Manny Pacquiao kahapon nang dumating sa bansa si Kerwin Espinosa noong Biyernes mula sa Abu Dhabi ay magkausap sila at nagugulat sa mga ibinulgar nitong mga personalidad na sangkot sa illegal drug trade kabilang ang mga elected officials.
Wendell Rupert Alinea

MANILA, Philippines – Pinaniniwalaan ni Sen. Manny Pacquiao ang mga rebelasyon sa kanya ng suspected drug lord na si Kerwin Espinosa.

Sa interview ng isang radio station kay Pacquiao kahapon nang dumating sa bansa si Kerwin noong Biyernes mula sa Abu Dhabi ay magkausap sila at nagugulat sa mga ibinulgar nitong mga personalidad na sangkot sa illegal drug trade kabilang ang mga elected officials.

“Marami siyang sinabi at talagang nakakagulat. Hindi ko na siguro banggitin ang mga binanggit niya kasi magkakaron naman siya ng affidavit,” wika pa ni Pacquiao sa panayam.

“Sa tingin ko, kapanipaniwala naman ang mga sinabi niya kasi sa detalye ng ipinapahayag niya,” giit pa ng mambabatas.

“Hindi ko narinig sa kanya na inamin niya na drug lord sila, pero ang business nila drugs,” dagdag pa ng mambabatas.

Aniya, ang paniwala ni Kerwin ay pinatay ang kanyang ama na si Albuera Mayor Rolando Espinosa upang patahimikin siya sa nalalaman sa illegal drug trade pero nangako itong ibubulgar ang kanyang nalalaman sa sandaling humarap sa senate investigation.

Show comments