Riding in trio inutas ng apat

MANILA, Philippines - Pinagbabaril ang tatlong lalaki na sakay ng isang motorsiklo ng apat na kalalakihan na sakay naman ng dalawang motorsiklo kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Ang mga namatay dahil sa tama ng mga bala ng kalibre 45 baril ay kinilalang sina Jackie Flores, alyas Chan Chan, 30; Christian Reyes, alias Tao, 39, kapwa naninirahan sa Apelo St., Brgy.  157; at  Diosdado Escamillas, alias Kim”, 24, ng Brgy.  Masinsur Baloyboy,  Candelaria, Quezon.

Batay sa ulat, dakong alas-10:15 ng gabi sa kanto ng F.B. Harisson St., at Arnaiz Avenue, Brgy. 68,  Zone 9 ay magkakaangkas ang mga biktima sa isang motorsiklo na may plakang BD-5887 nang harangin sila ng  dalawang motorsiklo na walang mga plaka sakay ang  apat na lalaki at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang mga una.

Show comments