Señeres umatras sa presidential bid
Doris Franche-Borja (Pang-masa) - February 5, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Umatras na rin sa presidential race si OFW Family Club partylist Rep. Roy Señeres, tatlong araw bago ang simu­la ng kampanya.

Ayon kay Señeres ang  pagbawi sa kanyang  kandidatura ay alinsunod na rin sa payo  ng kanyang   doktor na iwasan ang anumang “stress” para na rin sa kanyang  kalusugan.

Ang pag-atras ni Señeres ay nagresulta sa  pagbaba ng bilang ng  maglalaban sa pagkapa­ngulo  kasabay ng  pagsisimula ng pag-iimprenta ng   balota sa Lunes.

Kabilang sa maglalaban ay sina Vice President Jejomar Binay, Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Sen. Mi­riam Defensor-Santiago,  Sen. Grace Poe at Mar Roxas.

ACIRC ANG ATILDE AYON DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE FAMILY CLUB GRACE POE MAR ROXAS NBSP ROY SE VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with