Inilipat sa Bicutan Jail... Ex-pdea chief: Col. Marcelino posibleng patayin
Joy Cantos (Pang-masa) - January 29, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Pinangangambahan ni dating Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Executive Director ret. Gen. Dionisio Santiago ang seguridad ng buhay ni dating drug buster Marine Col. Ferdinand Marcelino matapos na ito ay ilipat sa kulu­ngan ng BJMP sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City mula sa kulungan ng PNP-Anti-Illegal Drugs Group (PNP-AIDG) kamakalawa ng hapon.

Ayon kay Santiago na hindi malayong mangyari ang kanyang pangamba na ipatumba ng sindikato ng droga si Marcelino sa Bicutan jail dahilan sa impluwensya  ng pera at koneksyon.

“Isang riot lang kunwari, tapos na si Marcelino”, ani Santiago.

Handa umanong magbayad ng malaking halaga ang mga sindikato ng droga na nasaga­saan ni Marcelino para maitumba lamang ito.

Si Santiago ang  kumuha kay Marcelino para maging operatiba ng PDEA ay naghayag na pangamba sa pinagkulungan ni Marcelino lalo pa at marami itong ipinakulong na mga miyembro ng sindikato ng illegal na droga.

Si Marcelino ay nahaharap sa patung-patong na kaso makaraang maaktuhan ito sa  loob ng Celadon Residences sa Sta. Cruz, Manila na binabantayan ng mga otoridad kung saan nasamsam ang P320-M halaga ng shabu, kemikal at mga kagamitan.

Isinagawa ng PNP-AIDG ang paglilipat ng kulungan kay Marcelino matapos itong ipag-utos ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez dahilan masyado umanong masikip ang detention facility na kinapipiitan ni Marcelino sa Camp Crame.

Inamin ni Santiago na nalulungkot siya sa  nangyari dahil ginawa umanong dispen­sable asset si Marcelino nang hindi pa naimbestigahan ng husto ang tunay na mga pangyayari at ito ay isang irrever­sible damage na mahihirapan nang malusutan ng dating tauhan.

 “Kung nasa labas siya 50-50 ang tsansa niya may kakayahan siyang lumaban o ipagtanggol ang kanyang sa­rili, makipagbarilan siya sa  babanat sa kanya, ani Santiago.

ACIRC ANG ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES CAMP BAGONG DIWA CAMP CRAME CELADON RESIDENCES CHIEF DIRECTOR GENERAL RICARDO MARQUEZ CHIEF OF STAFF DIONISIO SANTIAGO DRUG ENFORCEMENT AGENCY MARCELINO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with