^

Pamilya, 3 natagpuang patay sa pick up

Joy Cantos (Pang-masa) - January 28, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Kapwa bangkay na nang matagpuan ang isang Pranses, misis nitong Pinay at kanilang 4-an­yos anak na batang lalaki sa loob ng kanilang nakaparadang sasakyan na tadtad ng mga tama ng bala sa tabi ng national highway  Narra, Palawan kamakalawa.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Jean Marc Messina, 54, French national, misis nitong si Jewelyn Emscel Venturillo Messina, 25 at anak nilang si Guliano Steffal.

Ang bangkay ni Jean Marc ay natagpuan sa driver seat  habang nakasalampak naman sa tabi ng pinto sa ibaba ng upuan ang anak na si Guliano at ang misis ay nasa likod naman ng sasakyan.

Batay sa ulat, bandang alas-8:15 ng umaga nang madiskubre ni David Yagos Agsibit, guro sa pampublikong paaralan ang bangkay ng pamilya sa loob ng isang kulay puting pick-up Nissan Navarra NP 300 na may temporary plate number VS 5972.

Ayon naman kay Supt. Imelda Tolentino, Spokesperson ng MIMAROPA (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan)   ang mag-anak ay natukoy na residente ng Prin­cesa Subdivision, Wescom Road, Brgy. San Pedro, Puerto Princesa City, Palawan.

Lumilitaw sa im­bestigasyon na ilang araw ng nakaparada ang nasabing behikulo sa nasabing lugar na kung saan ay dito nagbubuhat ang masangsang na amoy.

Kaya nilapitan at sinilip ito ni Agsibit at  laking gulat nang makita ang mga bangkay sa loob ng behikulo kaya’t agad inireport sa pulisya.

ACIRC ANG DAVID YAGOS AGSIBIT GULIANO STEFFAL IMELDA TOLENTINO JEAN MARC JEAN MARC MESSINA JEWELYN EMSCEL VENTURILLO MESSINA NISSAN NAVARRA PALAWAN PUERTO PRINCESA CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with