^

Police Metro

Pagbuhay ng Senado sa imbestigasyon kay VP Binay, binatikos

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines – Binatikos ng mga legal experts ang plano ng  Senado na muling buhayin ang imbestigasyon sa umano alegasyon ng korapsyon laban kay  Vice President Jejomar Binay.

Ayon kina dating Integ­rated Bar of the Philippines (IBP) president Vicente Joyas at University of the Philippines law professor Harry Roque Jr., na sila ay naniniwala sa napaulat na plano ng mga kalaban sa pulitika ni Binay sa Senate Blue-Ribbon committee ay pag-aaksaya lang ng pera at panahon.

Ayon kay Atty. Joyas na magkakaroon lang ng imbestigasyon sa planong pagbuhay ng Senado at dapat ay ipaubaya na lang ito sa Ombudsman at pagtuunan na lang ng pansin ang mahahalagang usapin sa Senado bago maging abala ang mga senador sa pangangampan­ya sa eleksyon.

Idinagdag pa ni Atty. Joyas na ang tamang gawin ng Se­nate panel ay ibigay sa Ombudsman ang lahat ng kanilang ebidensiya kung meron man upang sila na ang bahala na magpatunay kung may nagawang pagkakamali ang isang opisyal ng pamahalaan na ina­akusahan nila ng korapsyon.

“Dahil ang tamang forum sa pag-iimbestiga sa alegasyon ng korapsyon ni Binay ay ang korte lamang.”, diin ni Atty.Joyas.

Inayunan ni Atty. Roque ang pahayag ni Atty.Joyas at idinagdag pa nito na  isang pag-aaksaya sa pera ng bayan ang planong muling buhayin ang imbestigasyon ng Senate panel.

Una nang umayon ang dalawang eksperto sa naging opinion nina dating UE law deans Amado Valdez at  Pacifico Agabin ng  University of the Philippines na ang balak na pagbuhay ng Senado laban kay  Vice President ay malinaw na political strategy dahil sa pangunguna ng Bise Presidente sa mga  survey.

Idinagdag pa ni Valdez na lalong papabor kay Binay ang balak ng Senado dahil lalabas na underdog ito na siyang gusto ng taumbayan.

ACIRC

AMADO VALDEZ

ANG

AYON

BAR OF THE PHILIPPINES

BINAY

BISE PRESIDENTE

HARRY ROQUE JR.

JOYAS

SENADO

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with