Konsehal ng malabon todas sa ambush

Angie dela Cruz, (Pang-masa) - January 23, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Pinagbabaril ng ri­ding-in-tandem suspek ang isang konsehal ng Malabon City sa harap ng bahay nito sa naganap na ambush kahapon ng hapon.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital dahil sa  mga tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Malabon City 2nd District Councilor Merlin “Tiger” Mañalac.

Ang biktima ay anak ng yumaong dating opis­yal ng pulis na si Alfonso “Boyong” Mañalac, na tinaguriang hoodlum terminator ng Malabon na konsehal din ng lungsod na ang buhay ay naisalin sa pelikula na ginampanan ng actor na si Eddie Garcia.

Batay sa ulat, dakong alas-4:04 ng hapon ay palabas na ang biktima sa kanyang bahay sa Aktibidad St., Barangay Tenejeros at patungo sana sa isang pagtitipon sa Barangay Acacia  nang dumating ang isang motorsiklo lulan ang dalawang lalaki at walang kaabog-abog na pinagbabaril ito.

Si Mañalac ay nasa ikalawang termino pa lamang bilang konsehal matapos siyang humalili sa napaslang ding kapatid.

Iniimbestigahan na ng pulisya kung may kinalaman sa pulitika ang naganap na pamamaslang.

ACIRC AKTIBIDAD ST. ANG ATILDE BARANGAY ACACIA BARANGAY TENEJEROS DISTRICT COUNCILOR MERLIN EDDIE GARCIA MALABON CITY MANILA CENTRAL UNIVERSITY SI MA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with