_pang-masa
^

1 NPA dedo,1 tiklo

Joy Cantos (Pang-masa) - January 14, 2016 - 9:00am

MANILA, Philippines – Napatay ang  isang miyembro ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA), habang isa ang naaresto matapos makasagupa ng tropa ng militar sa liblib na lugar ng Kibawe, Bukidnon kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi naitala ang bakbakan sa pagitan ng tropa ng Army’s 1st Special Forces Battalion (SFB) at ng NPA rebels sa  bulubunduking bahagi ng Brgy. Kagawasan, Kibawe.

Ayon kay Captain Joe Patrick Martinez, Spokesman ng Army’s 4th Infantry Division (ID), na may concerned citizens ang nagbigay ng tip sa tropa ng mga sundalo sa  presensya ng grupo ng mga rebelde na nangongotong.

Paparating pa lamang ang mga sundalo ay agad na pinaputukan ng mga rebelde na nauwi sa bakbakan sa pagitan ng mag­kabilang panig na tumagal ng 40 minuto na ikinasawi ng isang rebelde, isa ang naaresto.

ACIRC ANG AYON BATAY BRGY BUKIDNON CAPTAIN JOE PATRICK MARTINEZ INFANTRY DIVISION KIBAWE NEW PEOPLE SPECIAL FORCES BATTALION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with