^

Police Metro

Mag-asawa magkayakap hanggang sa kamatayan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay ay ipinakita ng isang mag-asawang matanda ang kanilang wagas na pag-ibig matapos matagpuang magkayakap nang makulong sa nasunog nilang bahay kahapon ng madaling araw sa Barangay Sumilang, Pasig City.

Ang mag-asawang nasawi ay kinilalang sina Boy at Lourdes Santos, kapwa 68 at residente ng Rodriguez Compound, 633 Dakila St., Barangay Sumilang ng lungsod.

Batay sa  ulat ng Pasig City Fire Department, dakong alas-1:05 ng madaling araw nang sumiklab ang apoy sa bahay ng mag-asawa na ayon sa mga otoridad ay posibleng naiwanang nakasinding kandila ang pinagmulan ng sunog.

Umabot lamang sa unang alarma ang sunog bago tuluyang naapula dakong alas-2:46 ng madaling araw.

Nang magsagawa ng mopping operation ay  natagpuan ng mga bumbero ang bangkay ng mag-asawa na magkayakap.

vuukle comment

ANG

BARANGAY SUMILANG

BATAY

DAKILA ST.

HANGGANG

LOURDES SANTOS

NANG

PASIG CITY

PASIG CITY FIRE DEPARTMENT

RODRIGUEZ COMPOUND

UMABOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with