Misis ng tserman, 1 pa todas

MANILA, Philippines – Nasawi ang dalawang katao matapos pagbabarilin ng mga hindi pa kilalang mga suspek ang bahay ng isang barangay chairman kamakalawa ng gabi sa Brgy. Cayamcam, Tungawan, Zamboanga Sibugay.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Margarita Banguanga, 53 at Jose Rios Samosa, 48.

Nasugatan naman si Carmelo Banguanga, 52, Brgy. Chairman sa lugar at mister ng nasawing si Margarita.

Batay sa ulat, bandang alas-10:15 ng gabi ay kasalukuyang nasa harapan ng kanilang bahay ang tatlo na nag-uusap nang bigla na lamang sumulpot sa lugar ang mga salarin at bigla na lamang pinaulanan ng bala na  pawang duguang bumagsak sa insidente.

Masusing imbestigasyon kung alitan sa pulitika at personal na alitan ang motibo ng pamamaslang.

Show comments