Baril nawawala... APEC-Police nakaladkad ng van
Ludy Bermudo (Pang-masa) - November 18, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Isang miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) na nakatalaga sa Mall of Asia para sa idinaraos na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Leaders Meeting ang nasugatan nang mabundol  ng closed van at nakaladkad pa ng may sampung metro sa tapat ng Mejan Garden, Liwasang Bonifacio, Ermita, Maynila, kahapon ng umaga.

Sa ulat mula sa Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU)  ginagamot sa Manila Doctor’s Hospital ang biktimang si  SPO1 Darwin Lorenzo, detail bilang security force sa APEC na kung saan ay nawawala ang  kaniyang  .40  mm caliber pistol.

Nasa kostudya na rin ng MDTEU ang driver ng delivery closed van (WJO-930) na si Ronald Borceles na umamin na inaantok habang nagmamaneho.

Sa imbestigasyon, dakong alas-5:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa nasabing lugar habang sakay ng motorsiklo ang biktima kasama ang isang PO3 Romulo Magtibay.

ANG ASIA-PACIFIC ECONOMIC COOPERATION DARWIN LORENZO LEADERS MEETING LIWASANG BONIFACIO MALL OF ASIA MANILA DISTRICT TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT MANILA DOCTOR MEJAN GARDEN QUEZON CITY POLICE DISTRICT ROMULO MAGTIBAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with