12 naaresto... anti-drug raid: 4 todas

MANILA, Philippines – Nauwi sa shootout ang anti-drug raid operations ng mga otoridad matapos lumaban ang mga miyembro ng isang drug syndicate na ikinasawi ng apat na suspek at pagkakaaresto sa labingdalawa iba pa naganap kahapon sa Norzagaray, Bulacan.

Ang mga nasawing suspek ay kinilalang sina Ryan Gonzales, 34; Kasonoding Titocalan; alias Sinor at alias Andrew.

Ang 12 naaresto ay sina Reyson Roque, Reynaldo Bernardo, Amiray Uspo, Diane Borcena, Kabeda Obinay; Liezel Feliciano; Karen Tala, Maryjoy Dumani; Ruby Dumapi; Salima Pangandaman; Rowena Baylon at Jenny Montalban.

Batay sa ulat, bandang alas-11:30 ng umaga bago nangyari ang palitan ng putok sa pagitan ng mga suspek at ng mga elemento ng Norzagaray Police ay target sa operasyon ang isang Eric Espinosa, na umano’y lider ng  drug syndicate sa Brgy. Bigte.Norzagaray.

Nang napaligiran ng mga otoridad ang kuta ng sindikato ay hindi sumuko ang mga ito at sa halip ay nagpaulan ng bala na nauwi sa palitan ng putok na ikinasawi ng apat.

Nabatid na bago ang operasyon ay isinailalim sa masusing surveillance ang nasabing lugar  matapos na makatanggap ng report ang mga otoridad hinggil sa talamak na bentahan ng droga.

Nasamsam ng mga otoridad ang sari-saring mga armas, shabu, marijuana at drug paraphernalias.

Show comments