Pamilya, 5 minasaker

Limang miyembro ng isang pamilya ang nasawi habang dalawa ang malubhang nasugatan matapos pagbabarilin ng mga kalalakihan na naka-bonnet ang kanilang bahay kamakalawa ng gabi Brgy. Victory, Calbayog City, Samar. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Limang miyembro ng isang pamilya ang nasawi habang dalawa ang malubhang nasugatan matapos pagbabarilin ng mga kalalakihan na naka-bonnet ang kanilang bahay kamakalawa ng gabi Brgy. Victory, Calbayog City, Samar.

Kinilala ng mga nasawi na sina  Sonny Regulacion, 38, magsasaka; Adela Regulacion, 48; Cristina Regulacion, Angela Mae Regulacion at Christine Joy Regulacion, 5.

Ang dalawang nasugatan ay dinala sa pagamutan ay kinila­lang sina Marlene Regulacion, 40  at Wendy Regulacion, 7.

Sa ulat na nakara­ting kay Calbayog City Police Director P/Supt. Ernesto Salvador Tagle, dakong alas-10:00 ng umaga nang sumulpot ang mga armadong kalalakihan na naka-bonnet ang mukha sa bahay ng pamilya Regulacion at walang  sabi-sabing pinagbabaril.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek.

Kasalukuyan pang isinasailalim sa masusing imbestigasyon ng mga otoridad ang motibo ng krimen.

Show comments